Ang Payaso

Ang palalong payaso
Naupo sa trono
Naghahariharian sa gitna ng palasyo.
Nagmamarunong, tila alam ginagawa nito.

Ang payaso
Abot langit ang ngiti
Sa likod ng palitadang kolorete
Nililihim sa madla
Ang kaba at lito sa mga nangyayari.

Ani niya Punyeta! Umayos kayo!
Sabay tangan sa palaso
Bilang tugon
Sa kahirapang kinasasadlakan
Ng kaharian nito.

Nasagot na ngayon kuya Germs
Ang tanong ‘san na ang mga payaso?’
Hayun ang loko
Nasa gitna ng entablado ng palasyo
Me pait ang ngiti,
Pilit ang patawa kahit hindi.

Wala na tiyempo ang bagsakan ng loko,
Ni kanta wala na sa tono,
Lalo na sa sayaw na ginagawa nito.

Tula ni: Eden Brillo

Please follow and like us:
0

Eastern Vista

Eastern Vista is an alternative media organization in Eastern Visayas. Stories of people in the struggle for justice and aid after super typhoon Yolanda inspired its creation in 2014. Eastern Vista is also a co-producer of Lingganay han Kamatuoran, a Waray-based radio magazine program airing since 2003. From Eastern Philippines, Eastern Vista shares the news and views from a people rising.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *